FDA, aminadong wala pang vaccine manufactures ang nag-a-apply para sa EUA

Inamin ng Food and Drug Administration (FDA) na wala pang isang vaccine manufacturing company ang nag-a-apply para sa Emergency Use Authorization (EUA).

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, inuuna ng gobyerno ang pagbili ng mga bakuna sa China dahil sa agawan sa supply.

Ang bakuna ng China na Sinovac at Sinopharm ay wala pang approval mula sa FDA.


Nilinaw rin ni Domingo na hindi nangungulelat ang Pilipinas sa pagkuha ng bakuna.

Nabatid na inanunsyo ng Chinese embassy na tinatapos na lang ang kasunduan para makapag-supply ang Sinovac ng 25 million doses ng bakuna sa Marso 2021.

Facebook Comments