FDA at NBI, tinutunton ang iligal na bentahan ng COVID-19 vaccines

Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad kung saan nagmumula ang COVID-19 vaccines na ibinebenta sa ilang indibiduwal.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, nakikipag-coordinate sila sa National Bureau of Investigation (NBI) para silipin ang ilegal na bentahan ng COVID-19 vaccines.

Iginiit ni Domingo na ipinagbabawal ang sinuman na magbenta ng COVID-19 vaccines lalo na at ginagamit ito sa vaccination program ng gobyerno.


Nakakabahala aniya ito dahil nababawasan ang supply na bakunang nakalaaan sa mga taong mababakunahan.

Ang mga mahuhuling nagbebenta ng COVID-19 vaccines ay mahaharap sa kasong kriminal.

Facebook Comments