FDA, BAI at BOC magsasanib pwersa sa pagmo-monitor ng mga processed pork products na pumapasok sa bansa

Nakikipag-usap na ang pamunuan ng Food and Drug Administration sa Bureau of Animal Industry at Bureau of Customs para sa pag-iinspeksyon sa mga processed pork products na pumapasok sa bansa.

 

Kasunod na rin ito ng pagpositibo sa african swine fever ng produktong skinless longganisa at picnic hotdog ng Mekeni Food Corporation.

 

Sa interview ng RMN Manila kay FDA OIC Dr. Eric Domingo, kinakailangan nila ang tulong ng BAI at BOC para masiguro na walang nakakapasok na smuggled pork products sa mga pantalan sa bansa.


 

Matapos na magpositibo ang skinless longganisa at picnic hotdog sa ASF, sinabi ni Domingo na hinihintay na nila ang paliwanag ng Mekeni Food Corporation at resulta ng imbestigasyon upang malaman kung sumunod ba ang kompanya sa standard procedure sa paggawa ng mga processed products.

 

 

Bukod sa FDA, ini-imbestigahan na rin ng Department of Agriculture ang posibleng kapabayaan ng kompanya lalo na’t mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta at paggamit ng karne na namatay sa sakit.

 

 

Facebook Comments