FDA, bibisita sa Russia para i-evaluate ang EUA application ng Gamaleya

Lilipad patungong Russia ang team mula sa Food and Drug Administration (FDA) para bisitahin ang Gamaleya Research Institute.

Ang Gamaleya ay nag-apply para sa emergency use authorization (EUA) para sa COVID-19 vaccine na Sputnik V.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang team ay binubuo ng dalawa hanggang tatlong miyembro at inaasahang aalis ng bansa patungong Russia sa ikatlong linggo ng Marso.


Iinspeksyunin ng team ang manufacturing facility para sa Good Manufacturing Practice.

Wala pang tiyak na timeframe ang FDA kung kailan sila maglalabas ng desisyon sa EUA application ng Gamaleya.

Kaugnay nito, hindi pa sinisimulan ng FDA ang evaluation sa EUA application ng Chinese pharmaceutical firm na Sinopharm.

Hindi pa nila ikinokonsidera ang application ng Sinopharm na “official.”

Sa ngayon, tatlong pharmaceutical companies pa lamang ang mayroong EUA mula sa FDA: ito ay ang Pfizer, AstraZeneca at Sinovac.

Facebook Comments