Dinipensahan ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo ang kanyang sarili.
Ito ay kasunod ng mga panawagang magbitiw na siya sa kanyang pwesto dahil sa mga umano’y iregularidad at kwestyunableng desisyon ng FDA.
Ayon kay Domingo, ang kanyang mga desisyon ay ibinabase lamang niya sa mga scientific evidence.
Iginiit ni Domingo na hindi pwedeng madaliin ang mga proseso kung ang mga dokumentong isinusumite sa kanila ay hindi pa kumpleto.
Nanindigan ang FDA na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho at nangakong susundin ang mga proseso.
Facebook Comments