FDA, hinihintay ang EUA application ng Novavax

Naghihintay pa rin ang Food and Drug Administration (FDA) sa American biotechnology firm na Novavax na mag-apply para sa Emergency Use Authorization (EUA) sa Pilipinas para sa kanilang COVID-19 vaccines.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang Novavax ay nagpadala na ng letter of intent para sa pag-a-apply ng EUA.

Dagdag pa ni Domingo, inilathala na rin ng Novavax ang kanilang COVID-19 preliminary data.


Aniya, hinihintay nila na makumpleto ang mga dokumento.

Tiniyak ng FDA na bibilisan nila ang pagpoproseso sa aplikasyon ng Novavax para magkaroon ng source ng bakuna ang bansa.

Facebook Comments