Hinikayat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na magpabakuna, ano pa man ang brand ng bakuna para maprotektahan nila ang kanilang mga sarili mula sa Delta COVID-19 variant.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang lahat ng inaprubahang COVID-19 shots ay kayang protektahan ang mga Pilipino mula sa Delta strain, ito ay kahit magkakaiba ang efficacy levels ng iba’t ibang brand ng bakuna.
Ang Pfizer vaccines ay 93% ang efficacy rate laban sa Alpha variant, at 88% naman laban sa Deltra.
Ang AstraZeneca ay 66% ang efficacy laban sa Alpha at 60% sa Delta.
Dagdag pa ni Domingo ang Moderna at Janssen vaccines ay nagpapakita ng 80% efficacy laban sa Delta variant.
Ang Sinovac at Sinopharm ay patuloy na nagsasagawa ng efficacy trials laban sa strain.