FDA, iginiit na epektibo pa rin ang COVID-19 vaccines kahit bumababa ang efficacy nito sa mga bagong variants

Tiniyak ng Food and Drug Administration (FDA) na nananatiling epektibo laban sa COVID-19 variants ang mga bakuna.

Pero aminado si FDA Director General Eric Domingo na bumababa ang efficacy ng mga bakuna sa mga bagong variants lalo na at patuloy na nagmu-mutate ang virus.

“There is a decreasing efficacy as we get more mutations pero ‘di naman po completely nawawala ang bisa ng bakuna. It’s still a very useful vaccine,” ani Domingo.


Batay sa mga datos, ang Pfizer vaccine ay nananatili ang efficacy rate nito sa 93% laban sa Alpha variant o COVID-19 variant na unang naiulat sa United Kingdom.

Para sa Delta variant, ang efficacy rate ng Pfizer vaccines ay bumaba sa 88%.

Ang efficacy rate ng AstraZeneca vaccine laban sa Alpha variant ay 66%, habang 60% sa Delta variant.

Patuloy naman ang mga pag-aaral ukol sa efficacy rates ng Janssen, Moderna, Sinovac, Sinopharm, Sputnik V laban sa Delta variant.

Hinihimok pa rin ng FDA ang pbuliko na magpabakuna dahil dagdag proteksyon ito laban sa sakit.

Facebook Comments