Isinara ng Food and Drug Administration ang 2 branches ng Misumi Direct Sales Cosmetics Distribution firm dahil sa pagbebenta ng unregistered at mislabeled beauty and skin-whitening products.
Ayon kay FDA Director General Nela Charade Puno, maliban sa closure ng nabanggit na distribution firm, magmumulta pa ang may-ari nitong si Donnah Mae Martinez-Miranda ng P3.2M
Kabilang sa mga permanently close na sangay ng Misumi Direct Sales cosmetics distribution firm ay matatagpuan sa #25 Maya Avenue, Okinari Bldg., Marville Park Subdivision, San Roque, Antipolo City; at Unit 11, 2nd Flr., Vastland Bldg., McArthur Highway Cor. Topaz St., Matina, Davao City.
Paliwanag ni Puno, kabilang sa mga nasabat na skin-whitening products mula sa 2 MDS branches ay 34 na unregistered at potentially hazardous cosmetic products.
Nahaharap ngayon ang may-ari nito sa paglabag sa Republic Act 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009.