FDA, imomonitor ang mga online selling platforms na nagbebenta ng emergency medical supplies

Magbabantay ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga online selling platforms na nagtitinda ng emergency medical supplies.

Ito’y para mamonitor nila kung mas mataas ang presyo ng mga ibinebenta nilang essential emergency medical supplies kumpara sa itinakda ng Department of Health o DOH.

Kaugnay nito, inatasan ng FDA ang kanilang mga inspector at regulatory enforcement unit agents na i-monitor ang online platforms.


Matatandaan na nag-isyu ng dalawang memorandum ang DOH kung saan nakasaad dito ang price freeze sa essential emergency medicines at supplies sa buong bansa dahil sa COVID-19 outbreak.

Kasama sa essential emergency medical supplies ang face masks, ethyl alcohol at nebulizer.

Ang mga N95 mask ay dapat nabibili sa halagang ₱45 hanggang ₱105 habang ang disposable face mask ay nasa ₱3 hanggang ₱12.

Habang ang ethyl alcohol na 70 percent solution ay dapat mabili sa halagang ₱25.50 (60 ml); ₱41.75 (250 ml); at ₱74.25 (500 ml).

Paalala naman nila sa publiko na maging mapagmatyag at suriin nang maigi ang mga nabibili sa online lalo na ang mga gamot.

Facebook Comments