FDA, inaprubahan ang 4 na COVID-19 test kits

Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang apat na commercial test kits para sa COVID-19.

Ayon kay FDA Director General, Dr. Eric Domingo, pwede nang gamitin ang test kits sa mga ospital at laboratoryong papahintulutan ng Department of Health (DOH) na magsagawa ng COVID testing.

Ang mga inaprubahang test kits ay mula sa China at South Korea.


Paglilinaw ng FDA, na ang mga test kit ay hindi katulad ng pregnancy test.

Kukunan ng sample ang pasyente sa pamamagitan ng swab, at ipapadala ito sa awtorisadong laboratoryo kung saan gagamitin ang mga kits.

Facebook Comments