FDA, inaprubahan ang ‘compassionate use’ ng Sinopharm vaccine para sa PSG

29

Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang ‘compassionate use’ ng bakuna kontra COVID-19 ng Sinopharm ng China para sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, 10,000 dose ng Sinopharm ang gagamitin sa naturang ‘compassionate use’.


Nabatid na bago payagang magamit ang isang bakuna, kinakailangan nitong magkaroon ng Emergency Use Authorization (EUA) mula sa FDA.

Paliwanag ng FDA, pwede nilang payagan ang paggamit ng isang bakuna kahit walang EUA basta may ‘compassionate use’ permit ang mga ito.

Facebook Comments