Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) amendment ng 4 na bakuna na maaaring gamitin bilang 3rd dose o booster shot.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, may go signal na para gamitin bilang booster shot ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac at Sputnik V.
Kabilang sa mga unang makakatanggap ng booster shot ay ang mga medical health worker na sisimulan na bukas.
Susundan ng mga senior citizen, mayroong immunocompromised conditions at may comorbidities.
Ani Domingo, may listahan ang Department of Health (DOH) kung sino-sino ang bibigyan ng booster shot.
Bibigyang prayoridad dito ang mga lugar na mataas na ang coverage ng pagbabakuna.
Facebook Comments