Friday, January 16, 2026

FDA, iniimbestigahan na ang paggamit ng ilan sa hindi awtorisadong COVID vaccine

Sinimulan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang imbestigasyon hinggil sa mga naglipana na bakuna laban sa COVID-19 kahit wala pang awtorisado rito.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, kabilang sa mga pinuntahan nila ang mga clinic sa Makati at Binondo pero wala naman silang nakita o nakumpiskang mga bakuna.

Maliban dito, sinulatan na ng FDA ang mga mambabatas na umano’y nagpaturok na ng COVID-19 vaccine pero wala pang tugon ang mga ito.

Paalala ni Domingo, wala pang naaaprubahang COVID-19 vaccine sa bansa kaya huwag magpaloko sa mga nag-aalok nito.

Facebook Comments