FDA, inisa-isa ang naging batayan nila sa pagpayag na magamit ng mga senior citizen ang Sinovac

Binigyang katwiran ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbibigay nito ng “go signal” na magamit ang Chinese Coronavirus vaccine na Sinovac sa mga senior citizens o sa mga may edad 60 years old pataas.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni FDA Director General Usec. Eric Domingo na una sa lahat ay mayroong 700 healthworkers sa iba’t ibang ospital na may edad 60 pataas ang nagpabakuna na ng Sinovac kamakailan at lumagda sa waiver.

Ani Domingo, minor lamang ang naitalang adverse event sa mga ito.


Bukod dito, ikinonsidera din nila ang hirit ng Department of Health (DOH) na rebisahin ang pagbibigay ng Sinovac para sa mga senior citizens dahil na rin sa kakulangan ng suplay ng bakuna sa bansa at dahil sa dumadaming kaso ng COVID-19.

Paliwanag ni Domingo, matapos nilang pag-aralan ang sitwasyon maging ang mga scientific evidences, lumalabas na ang pagbabakuna ng Sinovac sa mga nakatatanda ay “benefit outweighs the risk” o mas mataas ang benepisyo nito kumpara sa risk o panganib na pwede nitong idulot sa mga senior citizens.

Facebook Comments