FDA, ipinagkaloob sa ikatlong ospital ang compassionate use ng Ivermectin para sa COVID-19

Binigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ang ikatlong ospital ng permit para gamitin ang anti-parasitic drug na Ivermectin para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ipinagkaloob nila ng compassionate special permit (CSP) ang isa pang ospital para sa Ivermectin.

Sinabi ni Roque na mayroon pang isang ospital na nag-a-apply pero kulang pa ang isinusumiteng dokumento.


Ang CSP ay iniisyu para payagan ang access sa mga investigational drugs.

Sa ilalim ng permit na ito, pinapayagan ang paggamit ng gamot para sa urgent, life-threatening conditions o sa mga serious diseases, pero may permiso mula sa mga pasyente.

Ang mga doktor o ospital ay kailangang magpasa ng pruweba ng nagpapatuloy na clinical trial date mula sa ibang bansa at dipensahan na wala ng alternatibong gamot na kayang makontrol ang kondisyon ng pasyente.

Paglilinaw ng FDA na ang CSP ay hindi kaparehas sa certificate of product registration (CHR), na pinapayagan ang paggamit ng gamot sa merkado.

Facebook Comments