Ipinaliwanag ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagkakaiba ng booster dose at third dose ng COVID-19 vaccine at kung kailan pwedeng ibigay ang mga ito.
Ayon kay FDA Chief Usec. Eric Domingo, ang booster dose ay ang “mix and match” ng bakuna kung saan ibang brand ng bakuna ang ibibigay kumpara sa naunang itinurok sa isang indibidwal.
Habang ang third dose ay pareho lang na brand ng bakuna ang ituturok kung saan ibibigay ito anim na buwan matapos makuha ang naunang dalawang dose ng vaccine.
Kasabay nito, nilinaw ni Domingo na hindi lahat ay kakailanganin ng booster dose at third dose ng COVID-19 vaccine.
Facebook Comments