FDA, ipinatanggal ang mahigit 40 online posts hinggil sa iligal na pagbebenta ng Molnupiravir

Ipinatanggal na ng Food and Drug Administration (FDA) ang 48 online posts na hindi otorisadong nagbebenta ng Molnupiravir na siyang ginagamit sa paggamot sa mild hanggang moderate cases ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay FDA OIC at deputy director general Oscar Gutierrez, mayroong siyam na brand ng Molnupiravir ang iligal na ibinebenta online.

Ang mga ito ay Molnarz, Movfor, Moluzen, Molenzavir, Molmed, Mpiravir, Zero vir, Molnuvid at Movir.


Iginiit nito na paglabag ito sa batas dahil hindi naman rehistrado ang mga naturang produkto sa FDA.

Sa ilalim ng FDA Act of 2009 o ang Republic Act 9711, mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa, pag-import, paamahagi, pag-export, pagbebenta at pag-aalok ng mga health products na walang kaukulang authorization mula sa FDA.

Noong Pebrero ay umabot sa 371 online post ang nagbebenta ng naturang produkto ang ipinatanggal ng FDA habang 78 tindahan ang napag-alamang iligal na nagbebenta ng gamot.

Facebook Comments