FDA, kinumpirmang 24 sa mga nabakunahan kontra COVID ang namatay

Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na 24 na mga indibidwal ang binawian ng buhay matapos mabakunahan kontra COVID-19.

Ito ay mula sa kabuuang bilang ng mga nabakunahan sa bansa.

Ayon kay Domingo, 10 sa mga binawian ng buhay ay naturukan ng CoronaVac habang 14 ang naturukan ng AstraZeneca.


Ilan aniya sa mga namatay ay nagkaroon ng severe COVID cases, mayroon ding nagkaroon ng pneumonia, heart attack at may diabetic.

Habang ang 2 kaso ng namatay ay patuloy pang iniimbestigahan.

Nilinaw rin ni Domingo na walang kinalaman sa bakuna ang pagkamatay ng mga ito kundi mayroon talaga silang karamdaman.

Facebook Comments