Makikita at mabibili parin sa ilang pamilihan ang Cosmic Carabao gin.
Ito ang kinumpirma ng Food & Drug Administration sa kabila ng kawalan nito ng Certificate of Product Registration na maituturing na paglabag sa Republic Act No. 9711 o “Food and Drug Administration Act of 2009”.
Ang carabo gin ang tinuturong dahilan ngayon kung bakit nasawi ang isang babae habang ang isa naman ang patuloy pang inoobserbahan sa ospital.
Ayon kay Food and Drug Administration officer in charge Eric Domingo maaaring makasuhan ang mga may ari ng establishemento na nagbebenta parin ng carabao gin.
Kasunod nito pinayuhan ng opisyal ang publiko na hwag nang tangkilikin ang nakalalasong inumin.
Sinabi pa ni Domingo na ibinebenta rin ang carabao gin online sa halagang P630 kada bote (750ml).
Una nang sinabi ni Domingo na ang methanol poisoning ang dahilan kung bakit nasawi ang biktima habang ang isa naman ay under observation parin sa National Kidney and Transplant Institute.