Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na Sinovac ang itinurok na Anti-COVID vaccine sa healthcare worker na namatay.
Nanindigan naman si Domingo na COVID-19 ang ikinamatay ng 47 years old na babaeng health worker at hindi ang bakuna.
Kinumpirma rin ni Domingo na ang namatay na health worker ay may hypertension, diabetes at bronchial asthma.
Naipaabot na rin aniya nila sa local distributor ang nasabing insidente at wala pa itong tugon.
Kinumpirma rin ni Dr. Domingo na umaabot na sa 240,297 na health workers sa bansa ang nabakunahan.
Sa nasabing bilang aniya, 3,700 na naturakan ng Sinovac ang nagkaroon ng adverse effect habang 3,769 naman sa mga naturukan ng AstraZeneca ang nakaranas ng adverse effect.
Idinagdag ni Domingo na mayorya ng mga naturukan ng COVID vaccines ay nakaranas lamang ng mild na epekto.