FDA, magtatakda ng regulasyon ukol sa pagbebenta ng E-Cigarretes at Vape

Magpapatupad na ng mga regulasyon para sa pagbebenta ng mga Electronic Cigarretes at Vape ang Food and Drug Administration para mabawasan umano ang pagbili ng mga Menor De Edad sa mga nasabing produkto.

Ayon kay FDA Center for Cosmetics Regulations and Research Head Engineer ana rivera nais nilang maregulate ang pag gamit at pagbenta ng mga ito sa buong bansa.

Aniya pinirmahan na ni Health Secretary Francisco Duque III ang isang Administrative Order ng Revised Rules and Regulations na nakasaad na kinakailangan ng mga manufacturers, traders, distributors and retailers ng E-Cigarette na kumuha muna ng lisensya sa FDA para makapag benta nito.


Dagdag pa nito kailangan din muna kumuha ng Certificate of Compliance ang mga ito sa Department of Trade Industry.

Aabot naman sa 5,000 hanggang 15,000 piso ang kinakailangang bayaran para makakuha aniya ng lisensya.

Pagtitiyak nila ang revenue na makukuha nila mula sa mga ito ay idadagdag para sa pondo ng Universal Healthcare Law.

Facebook Comments