FDA, makikipagtulungan sa mga imbestigasyon ukol sa mga nakabinbing drug applications

Nangako ang Food and Drug Administration (FDA) na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon ukol sa pagkakaantala sa pagpoproseso ng drug applications ng ilang pharmaceutical firms.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, buo ang kanilang kooperasyon sa mga awtoridad para malaman kung ano ang mga problema.

Kasalukuyang sinisilip ng legal service office ng FDA ang isyung ito para malaman kung ano ang mga pagkukulang at hindi nagawang aksyon.


Matatandaang nag-isyu ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) ng show cause order kay FDA Center for Drug Regulation and Research Director Jesusa Cirunay dahil sa 600 pending drug applications na inihain ng iba’t ibang pharmaceutical companies.

Facebook Comments