FDA, muling iginiit na hindi pa kailangan ang pagtuturok ng COVID-19 booster shots

Muling iginiit ng Food and Drug Administration na hindi pa kinakailangan sa ngayon na magturok ng COVID-19 booster shots.

Paliwanag ni FDA Director General Eric Domingo, mababang bilang lamang naman sa mga bakunado ang nagkakaroon ng breakthrough infections o yung tinatamaan ng COVID-19 kahit fully vaccinated.

Hindi rin aniya nagkakaroon ng waning effect ang COVID-19 vaccine kahit ilang buwan na ang lumipas mula nang nabakunahan ang mga indibidwal.


Una nang sinabi ng Department of Health na wala pang sapat na ebidensiya para mapatunayang kailangan na ngayon ng booster shots.

Facebook Comments