Muling iginiit ng Food and Drug Administration (FDA) na walang patunay na epektibong gamot laban sa COVID-19 ang Ivermectin.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, hindi nakakatulong laban sa virus ang nasabing gamot.
Apela ni Domingo sa publiko na huwag basta-basta iinumin ang Ivermectin.
Ang Ivermectin ay isang prescription drug sa topical formulation laban sa external parasites tulad ng lisa, kuto at iba pang kundisyon sa balat.
Ginagamit din ito bilang gamot sa heartworm disease at internal at external parasites sa ilang hayop.
Kasalukuyan, walang rehistradong Ivermectin bilang oral formulaton na pinapainom para sa tao.
Facebook Comments