FDA, muling nagbabala sa publiko kaugnay ng mga hindi rehistradong produkto na nagkalat sa pamilihan

Manila, Philippines- Muling nagbabala sa publiko ang Food and Drugs Administration kaugnay sa mga hindi rehistradong produkto na nagkalat ngayon sa pamilihan.

Lumabas kasi sa imbestigasyon ng FDA na hindi dumaan sa registration process at hindi rin nabigyan ng kaukulang dokumento mga produktong galing sa China.

Kabilang sa mga ipinagababawal ang mga sumusunod: Chinese garlic pearls, carica lagundi capsule, nuwhite advanced whitening, l-glutathione collagen & placenta food supplement, encore premium chili powder, dream and love pumpkin candy, beksul wheat flour, premium quality flour, dong won tuna with korean bbq sauce; crown choco; heim choco hazelnut; ottogi vegetable cream soup; ottogi mushroom cream soup at ottogi beef cream soup.


Facebook Comments