FDA, nagbabala kontra COVID-19 vaccine na ibinebenta online

Nagpaalala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko lalo na sa mga Overseas Filipino Workers na mag-ingat sa nagaganap na online selling ng COVID-19 vaccines.

Ayon sa FDA, ginagamit ng mga manloloko ang social media at iba pang online platforms para makapanghikayat ng customer at hahayaang makapili ng brand ng bakuna na gusto nila.

Kung minsan may alok pa ang mga ito ng ‘buy 1 take 1’ deal at babayaran sa pamamagitan ng Gcash at bank transfer.


Manghihingi rin ang mga scammer ng delivery at insurance fee pero hindi ito aabot sa mga umoorder.

Dahil dito, muling binigyang diin ng FDA na bawal pa ang pagbebenta ng anomang klase ng bakuna dahil ang lahat ng ito ay nasa ilalim pa lamang ng emergency use authorization sa bansa.

Facebook Comments