Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng art coloring product na natuklasan nagtataglay ng mataas na antas ng nakalalasong kemikal na lead o tingga.
Natuklasan ng FDA na ang sumusunod na art coloring products o pangkulay ay nagtataglay ng lead na lampas sa maximum allowed limit na ninety (90) parts per million (ppm):
1. Ultra Colours 8 pcs. jumbo crayons
2. Xiao Yiren 18 pcs. water color
Ang Lead ay mapanganib kahit na sa mababang antas ng pagkakalantad (low exposure level), lumilikha ito ng isang spectrum ng pinsala sa maraming sistema ng katawan, ang Lead ay nakakaapekto sa brain development na nagreresulta sa pagbaba ng intelligence quotient (IQ)(nakakabobo daw), pagbabago sa ugali, pagtaas ng anti-social behavior, at pagbaba ng kakayahang pang edukasyon o educational attainment.
Ang lahat ng establisyamento ay binabalaang huwag mamahagi ng nasabing iligal na produkto hanggang sa ito ay mabigyan ng kaukulang awtorisasyon, sapagkat may katapat na kaukulang parusa.
Hinihiling ng FDA sa lahat ng Local Government Units (LGUs) at Law Enforcement Agencies (LEAs) na tiyaking ang produktong ito ay hindi maibebenta o magagamit sa kanilang mga nasasakupan.