Nagbabala ang Food and Drug Administration sa publiko hinggil sa mga binebentang pekeng bersyon ng gamot upang mabawasan ang wrinkles sa katawan.
Ito ay matapos iniulat ng FDA na may 100 pekeng Xeomin units solution para sa Clostridium Botulinum neurotoxin o mas kilala bilang botox na ibinebenta sa bansa.
Ayon sa ahensya, posibleng magdulot ito ng panganib sa mga gagamit ng nasabing produkto.
Nagbabala naman ito sa mga establisyimento na labag sa batas ang pagbebenta ng mga pekeng produkto at tiyak na mapaparusahan.
Muling nagpaalala ang FDA na bumili lamang ng gamot o anumang medikasyon mula sa mga estabilisyimentong may lisensya ng ahensya.
Facebook Comments