FDA, nagbabala laban sa mga hindi otorisadong cosmetic products na ibinibenta sa merkado

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa mga hindi awtorisadong cosmetic products na kumakalat ngayong sa merkado.

Sa public health warning na inilabas ng FDA, pinag-iingat ng ahensya ang publiko sa “unnotified cosmetic products” dahil hindi ito inaprubahan ng FDA para ibenta.

Iginiit ng FDA na hindi nagdaan sa kaukulang proseso ng ahensya ang naturang produkto.


Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa major online shopping platforms upang masiguro na ang mga ibinibentang produkto ay nakakasunod sa umiiral na batas sa cosmetic products.

Facebook Comments