Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa pagbili ng hindi reshitradong drug product na Lianhua Qingwen Jiaonang na nakasulat sa Chinese characters.
Batay sa FDA advisory, naglipana ang mga pekeng bersyon ng nasabing gamot lalo na sa social media gaya ng Facebook.
Ayon sa FDA, rehistrado ang nasabing gamot pero hindi para sa mga pasyente ng Coronavirus, kundi sa ibang komplikasyon.
Kung bibili ng nasabing gamot, siguraduhin na ito ay may English characters at may Certificate of Product Registration mula sa FDA at may reseta ng lisensyadong doctor.
Sa China, aprubado ang Lianhua Qingwen bilang treatment drug sa mild COVID-19 cases.
Facebook Comments