FDA, nagbabala laban sa mga pekeng gamot na naglipana online

Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA), ang publiko laban sa mga ibinibentang mga gamot lalo na online.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni FDA OIC Director General Oscar Gutierrez, na sa ginawa nilang pag-iinspeksyon, nabatid na 50 sari-sari stores ang natuklasang nagbibenta at nakuhanan ng 19 na uri ng mga gamot na pawang mga peke kabilang na ang paracetamol na ginagamit pangontra sa sintomas ng COVID-19.

Aniya, kabilang sa mga sari-sari stores na ito ay matatagpuan sa Cavite, Laguna, Albay, Caloocan City, Quezon City at Paranaque City.


Kaugnay nito nanawagan ang FDA sa publiko na maging maingat sa pagbili ng mga gamot sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang website upang hindi mabiktima ng peke.

Facebook Comments