Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko ukol sa pagbili ng anti COVID-19 pill na Molnupiravir.
Ito ay sa gitna ng mga ulat na ibinebenta ang nasabing gamot sa mas mataas na halaga ngayong marami ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa FDA, hindi dapat ibenta commercially ang Molnupiravir at tanging sa pamamagitan lamang ng department of health at mga ospital na binigyan ng Compassionate Special Permit.
Iginiit ng FDA na maaaring magdulot ng peligro ang pagbili ng Molnupiravir sa mga hindi lisensiyadong establisyimento at sa internet.
Matatandaang noong nakaraang buwan nang bigyan ng Emergency Use Authorization ng FDA ang paggamit ng 200-mg capsule ng Molnupiravir.
Facebook Comments