Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili ng isang kilalang brand ng cosmetic product.
Partikular dito ang Pond’s Pure White Mineral Clay Mask D-Toxx Treatment
Ayon sa FDA, base sa koordinasyon nila sa Unilever Philippines, Inc., nabatid na ang nabanggit na produkto ay counterfeit o peke.
Paalala ng ahensya dahil counterfeit ang produkto hindi ito dumaan sa safety assessment and verification process ng FDA.
Babala ng ahensya ang paggamit ng nabanggit na produkto ay maaaring magdulot ng panganib o pinsala sa sinumang gagamit nito dahil posibleng nagtataglay ito ng lead at mercury.
Ang exposure sa lead at mercury ay maaaring magdulot ng skin irritation, itchiness, anaphylactic shock at organ failure.
Kasunod nito nagpaalala ang FDA sa mga establishemento na huwag ibenta ang naturang pekeng produkto sabay pakiusap sa mga consumers na isumbong sa kanilang tanggapan sakaling may makitang nagbebenta ng pekeng Pond’s Pure White Mineral Clay Mask D-Toxx Treatment.