Friday, January 16, 2026

FDA, nagbabala sa limang hindi rehistradong medical products

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili ng limang hindi rehistradong medical products.

Sa advisory 2021-0185, ang mga sumusunod na produkto ay hindi dumaan sa evaluation:

  • OTC Nanhai® Fufang Ku Shen Shui Ang Sunan
  • San-OTC 999® Yanyan Pian
  • OTC Fuke Qianjin Pian
  • Kaiherong®
  • DUB® Glucose Injection 5% 250 ml

Ayon sa FDA ang mga nabanggit na produkto ay hindi dumaan sa registration process ng ahensya at hindi naisyuhan ng proper authorization o ng Certificate of Product Registration.

Ibig sabihin, ang paggamit ng mga nasabing produkto ay maaaring mapanganib sa tao.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9177 o Food and Administration Act of 2009, ipinagbabawal ang manufacture, importation, exportation, sale, distribution, transfer, promotion, advertising o sponsorship ng health products na walang authorization mula sa FDA.

Facebook Comments