FDA, nagbabala sa mga retailer na nagbebenta ng nakakalasing na inumin sa mga menor de edad

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa mga retailer na nagbebenta ng alcoholic products sa mga menor de edad.

Ito ay sa gitna ng mga ulat na ibinebenta sa mga bata ang “alcopops.”

Ayon sa FDA – ang alcopop ay isang fruit-flavored o fizzy alcoholic beverage na makikita sa mga supermarket, groceries at convenience stores.


Madalas din itong inilalagay sa “juice section” imbes sa alcohol section sa mga pamilihan.

Pinayuhan ng FDA ang mga retailer na ihinto na ang pagbebenta ng lahat ng uri ng nakakalasing na inumin sa mga menor de edad.

Dapat ding maglagay ng signage para sa alcoholic drinks para i-verify ang edad ng mga bumibili.

Ang mga lalabag ay posibleng makulong ng mula anim na buwan hanggang apat na taon at multang nagkakahalaga ng 600 hanggang 4,000 pesos.

Facebook Comments