FDA, nagbabala sa pag-inom ng hindi rehistradong lambanog

Nagbabala ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) sa pagtagay ng mga hindi rehistradong lambanog.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, iwasan ang pagbili ng mga hindi rehistradong lambanog at iba pang nakalalasing na inumin dahil wala naman itong magandang maidudulot.

Sinabi naman ni FDA Director General Eric Domingo, na maaaring magdulot ng methanol poisoning ang pag-inom ng mga lambanog na hindi dumaan sa kanilang regulasyon.


Makikita sa website ng FDA ang mga brand ng lambanog na ligtas inumin.

Matatandaang siyam ang nasawi noong Nobyembre 2018 sa Calamba at Santa Rosa, Laguna matapos malason ng lambanog, na kalaunan ay nakitaan ng mataas na methanol content.

Nasa apat naman ang patay habang 14 pa ang naospital sa Quezon City dahil din sa lambanog.

Mahigit 20 ang nadale rin ng lambanog sa Laguna at Quezon noong Disyembre 2019.

Facebook Comments