Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at pag-inom ng lambanog, na hindi rehistrado sa ahensya.
Ito’y kasunod ng pagkamatay ng ilang tao sa Laguna at Quezon dahil sa pagkalason nang makainom ng lambanog.
Ayon sa FDA, pinapayuhan nito ang publiko na mag-ingat at ugaliing tingnan kung may proper labels ang mga lambanog at kung rehistrado ito sa kanila.
Umapela rin ang FDA sa mga tindahan na ihinto ang pagbebenta ng lambanog brand na hindi rehistrado sa ahensya.
Ang sinumang nagbebenta ng unregistered products ay paglabag sa FDA Act of 2009 o Food Safety Act of 2013.
Maliban dito, inilabas din ng fda ang listahan ng lambanog brands na nakarehistro sa kanila.
Facebook Comments