Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbebenta at pagbili ng hindi rehistradong gamot na Lianhua Qingwen Jiaonang na mayroong Chinese characters.
Nabatid na talamak ang bentahan ng nasabing gamot sa social media lalo na sa Facebook.
Ayon sa FDA, ang Lianhua Qingwen Jiaonang na may English text ang inisyuhan ng Certificate of Product Registration (CPR) at ito lamang ang aprubado na pwedeng ibenta sa Pilipinas.
Hindi magagarantiya ng FDA ang kalidad at kung ligtas ba ang produkto na may Chinese text dahil hindi ito dumaan sa kanilang evaluation at galing ang mga ito sa mga hindi lisensyadong establishments.
Sa ilalim ng FDA Act of 2009, ipinagbabawal ang manufacture, importation, exportation, sale, distribution, transfer, promotion, advertising, o sponsorship ng mga health products na walang proper authorization mula sa FDA.