FDA, nagbabala sa paggamit ng hindi lisensyadong hand sanitizers

Pinayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na bilhin lamang ang mga lisensyadong hand sanitizers, topical antiseptics, at topical antibacterial products.

Ito ay kasunod ng paglipana ng mga nasabing produkto na walang accreditation mula sa FDA.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, mahalagang rehistrado sa kanilang ahensya ang mga bibilhing produkto.


Importante rin aniyang maging mapanuri sa mga bibilhing produkto.

Dagdag pa ni Domingo, bumili lamang ng FDA-registered products sa mga mapagkakatiwalaang pamilihan.

Kinakausap din ng FDA ang mga retailer, hospital, at iba pang government offices at units para matiyak na ang mga kinukuha nilang produkto ay mula sa FDA-licensed manufacturers at distributors.

Facebook Comments