Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga consumer laban sa paggamit ng hand sanitizers at alcohol na hindi rehistrado o mayroong mapanganib na substance.
Paalala ni FDA Director General Eric Domingo, dapat tiyaking ligtas ang nilalaman o content ng ginagamit na alcohol o hand sanitizer.
Ang rubbing alcohol ay kailangang mayroong 50% ethyl alcohol o isopropyl alcohol habang 60% sa hand sanitizing gel.
Iginiit ni Domingo na hindi ligtas gamitin ang mayroong ethanol content dahil ginagamit lamang ito sa mga machinery o equipment.
Delikado rin aniya ang methanol dahil maaaring magdulot ito ng pagkairita sa balat, pagkabulag o kaya ay kamatayan.
Hindi na rin kinakailangang magtimpla ng sariling alcohol lalo na at wala nang shortage ng alcohol at hand sanitizers.
Dapat iwasan din ng publiko ang pagbili ng alcohol na nakalagay sa bote ng tubig dahil maaaring mapagkamalan itong inumin.