FDA, nagbabala sa paggamit ng mga hindi rehistradong pesticide products

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Food & Drug Administration laban sa pagbili at paggamit ng mga hindi rehistradong household Urban pesticide products.

Nabatid na hindi rehistrado sa FDA ang nasabing pesticide products kabilang na ang mga sumusunod:

1. Mosquito Coil
2. Bikit Guard (Clip-On Insect Repellant)
3. Tiger Balm Mosquito Repellent Spray
4. Bestguard Mouse & Rat Glue Traps L2703
5. Brother Brand High Quality Fly Glue Board Bfb-777
6. Temox Chalk (Roach and Ant Killer) Kills Ants and Cockroaches
7. Brother Powerful Insecticide Citrus Limon


Napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang post marketing surveillance ng FDA ang mga nabanggit na pesticide products ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi rin nabigyan ng proper marketing authorization.

Ang lahat ng establisyamento ay binabalaang huwag mamahagi ng nasabing iligal na produkto hanggang sa ito ay mabigyan ng kaukulang awtorisasyon, sapagkat may katapat na kaukulang parusa.

Ang nasabing mga produkto ay nakapipinsala, nakalalason at maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng tao o hayop.

Hinihiling ng FDA sa lahat ng Local Government Units at Law Enforcement Agencies na tiyakin na ang mga produktong ito ay hindi maibebenta o magagamit sa kanilang mga nasasakupan.

Facebook Comments