FDA, nagbabala sa produktong hindi rehistrado sa ahensya

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko kaugnay sa mga produktong pagkain na hindi rehistrado sa ahensya.

Kabilang dito ang Lee Kum Kee Guilin Style Chili Sauce, Tasty Vegetables, Pickled Vegetable, Taiwan Chili Sauce at Ji Xiang Ju preserved vegetable.

Giit ng FDA, hindi nito matitiyak ang kaligtasan ng mga naturang produkto dahil hindi pa nila na evaluate ang mga ito.


Nagpaalala naman ng FDA sa mga establisyemento na huwag magbebenta ng mga nasabing produkto na walang certificate of product registration.

Facebook Comments