FDA, nagbabala sa publiko hinggil sa pekeng beauty cream, face mask at lip gloss

Pinag-iingat ng Food and Drug Administration ang publiko laban sa mga pekeng whitening cream ng isang local brand at counterfeit na imported sheet masks, maskara, at lip gloss.

Sa abiso na inilabas ng FDA, dapat iwasan ng publiko ang paggamit ng pekeng bersiyon ng ilang produkto ng RDL na pawang mag-e-expire sa 2021 at 2022.

Kabilang sa mga produktong ipinagbabawal ng FDA ay ang


  • RDL babyface whitening night cream 5 in 1
  • RDL face off fade-out cream day cream
  • 3w clinic’s fresh lemon and fresh aloe mask sheet
  • Maybelline new york the magnum volum’ express waterproof mascara
  • M·n® menow generation-ii long lasting lip gloss (variant 34)

Giit ng FDA, maaaring makasama sa balat o sa katawan ang paggamit ng mga nasabing produkto.

Paalala ng FDA, dapat maging mapagmatiyag sa pagbibili ng mga produkto at suriin nang mabuti ang packaging nito.

Nanawagan din ang FDA sa mga lokal na pamahalaan at ahensiya na siguraduhing hindi nabebenta saan man ang mga pekeng produkto.

Facebook Comments