Nagpaalala ang Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko na mag-ingat sa mga nabibiling bakuna kontra COVID-19 sa online.
Batay sa abiso ng FDA, walang bakuna laban sa virus at wala pa itong inaaprubahang bakuna kontra COVID-19.
Sa ngayon, pinag-aaralan pa o nasa developing stage pa lang ang mga vaccine para sa COVID-19 pero wala pa nakukumpletong clinical trials upang mapatunayan na safe at epektibo ito.
Kaya naman babala ng ahensya na kung sino man ang magbebenta ng mga umano’y COVID-19 vaccine ay maaaring managot sa batas sa ilalim ng Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009.
Hinikayat naman ng FDA ang publiko at mga lokal na pamahalan na maging mapagmatyag sa mga taong nagbebenta ng mga vaccine na para umano sa COVID-19, lalung-lalo na ang mga nag-o-online selling.