FDA, nagbabala sa publiko sa pagbili at paggamit ng mga hindi rehistradong food products

Manila, Philippines – Binabalaan ng Food & Drug Administration ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng hindi rehistradong mga food products.

Kabilang na dito ang mga sumusunod:

1. Super Super Coffe, 3in1 Original
2. Spices & Herbs Luyang Dilaw Turmeric Powder
3. Tropical Rendezvouz Pure Honey Bee
4. Hanna’s Peanut Cookies
5.Nature’s Muscovado Specialty Sugar
6.Giovan’s Special Yema


Napatunayan sa pamamagitan ng post marketing surveillance ng FDA, ang nasabing mga food products ay hindi nakarehistro at hindi rin nabigyan ng otorisasyon tulad ng certificate of product registration.

Alinsunod sa Republic Act 9711 ang pagsasagawa, pag-angkat, pagbenta, pamamahagi, paglipat, promosyon at pagpapalatastas ng produktong pagkalusugan ng walang otorisasyon mula sa fda ay mahigpit na ipinagbabawal.

Nabatid na ang hindi rehistradong mga produktong ito ay hindi dumaan sa proseso sa pagsusuri ng FDA kung kaya’t hindi masiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan ng nasabing mga produkto.

Facebook Comments