FDA, nagbabala sa publiko sa pagbili at paggamit ng mga misbranded na KF94 face mask na may “foreign characters”

Pinaiiwas ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagbili at paggamit ng mga misbranded na KF94 face mask na mayroong “foreign characters” o may mga dayuhang letra.

Sa inilabas na pahayag ng FDA, inihalimbawa ng ahensya ang larawan na matingkad na kulay ng KF94 face mask na nakalagay sa transparent na plastic na may tatak na “foreign characters”.

Ang KF94 o Korean filter face mask ay sinasabing halos na hindi nalalayo sa filtration grade na mayroong ang N95 mask.


Gayunpaman, naniniwala ang FDA na kailangan pa rin na maingat ang bawat isa sa pagbili ng KF94 face mask lalo na’t may mga pinagbibili na posibleng misbranded o peke.

Facebook Comments