Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagpapaturok ng COVID-19 vaccines na hindi pa rehistrado.
Ito ay sa gitna ng mga ulat na may ilang personalidad na ang nagpabakuna laban sa sakit.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, wala pang katiyakan kung mabisa ang mga bakuna lalo na at hindi ito dumaan sa FDA.
Dagdag pa ni Domingo, hindi maaring magpaturok ng ibang bakuna kung nabakunahan na dahil posibleng magkaroon ng cross reaction.
Bukod dito, kailangan din ng documentation bilang patunay na nabakunahan ang pasyente.
Facebook Comments