Aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga batang edad 5 hanggang 11.
Ibig sabihin, pwede na ring bakunahan sa Pilipinas ang mga mas bata gamit ang bakuna ng Pfizer.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, napatunayan sa pag-aaral ng Vaccine Expert Panel (VEP) na epektibo at ligtas ang paggamit ng Pfizer sa nasabing age group.
Mayroon din itong 90% efficacy at walang naitalang major adverse event.
Pero paglilinaw ni Domingo, mas mababa ang dosage na gagamitin para sa mga batang 5-11 years old kumpara sa bakunang itinuturok sa mga edad 12 hanggang 17 at adult population.
Ibig sabihin, bibili pa ang pamahalaan ng bakunang angkop sa kanilang edad.
Facebook Comments