Nilinaw ng Food and Drug Administration na hindi basta maaaring mabili o gamitin ang mga Rapid Antibody Test Kit na una ng inaprubahan ng ahensya for commercial use.
Sa FDA advisory, nakasaad na ang rapid test kit ay maaari lamang mabili sa mga lisensyadong ospital o botika.
Pero kailangan na mayroong prescription mula sa isang lisensyadong doktor para makabili ng mga test kit na ito.
Mahigpit rin ang paalala ng FDA na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga nasabing test kit online.
Ang rapid test kit ay kailangan ding gawin ng isang doktor o trained health professional.
Kaugnay nito, hinikayat ng FDA ang publiko na ireport kung may masumpungan na paggamit ng mga nasabing rapid test kit.
Facebook Comments